6.11.10

limang dipa


Dala sa pag akyat sa puno ng bayabas
ay ang pagnanais masilayan ang mailaw na kabayanan
sa itaas ng  limang dipang ng punoy may pagpilit sa pagpitas
ng inaabot na bunga ng kanyang kapatid na nakababata.

mainam na pinagmamasdan ang malayong kanayunan
kasabay ng pagtingala ay pag aasam na itoy mapuntahan
sa pagbabay may hagas na masilayan ang ngiting nagaabang
mula sa kapatid na nag aantay ng bunga at kwento ng kabayanan.

sabik na mga paay may bilis sa malalawak na paghakbang
isipay di mabitiwan sulyap ang nakamamanghang kanayunan
at kasabay ng maigting na pag iingat sa bulsang pinuno
ay bahagyang pagkakabali ng sanga ng punong matipuno.

Sa pagbagsak sa lupay dagling itinago
ang sakit na dulot ng butong nabaliko
sa pagpahid ng luha may binibigkas na kataga..

"ban..pag laki mo.. huwag mo akong tularan
kung nais mong makita ang kanayunan mamasahe ka nalang..
dose pesos lang nman.."   :)

No comments:

Post a Comment